Basilika ni San Marcos
Ang Patriyarkal Katedral Basilika ni San Marcos, karaniwang kilala bilang Basilika ni San Marcos, ay ang simbahang katedral ng Katoliko Romanong Arkidiyosesis ng Venezia, hilagang Italya. Ito ang pinakatanyag sa mga simbahan ng lungsod at isa sa mga kilalang halimbawa ng arkitekturang Italo-Bisantino. Matatagpuan ito sa silangang dulo ng Piazza San Marco, katabi at konektado sa Palasyo ng Doge. Orihinal na ito ay ang kapilya ng Doge, at naging katedral lamang ng lungsod mula pa noong 1807, nang ito ang ginawang luklukan ng Patriyarka ng Venezia, arsobispo ng Katoliko Romanong Arkidiyosesis ng Venezia, dati ay sa San Pietro di Castello.
Read article